Tuesday, November 10, 2015

Nasaan ka na?

"Habang lumalayo tayo sa isa't isa mas lalo kong gusto pang makilala ka. Habang nawawala ka, mas nadarama kita. Habang gusto kitang kalimutan, may mga bagay na nagpapaalala sakin sa'yo. Mga bagay na pilit ibinabalik yung masasayang sandali nating dalawa. Habang ikaw nakalimot na ako nandito parin. Hindi alam kung hanggang kailan parin kita mamahalin. Nakikiusap ako sa mga bituin kung maari pa bang makita ka, kung maari pa bang ulitin pa, kung maari pa bang makasama ka. Ayokong aminin sa sarili ko pero sobrang sakit na. Gusto ko ng bumitiw, gusto ko nang matapos lahat ng ito, nang sa ganon matahimik na ko, tayo.

- Letters from Octavious

No comments:

Post a Comment